Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Philippine National Police (PNP) na agad aksiyunan ang problema sa illegal gambling, sa halip umanong guluhin ang Authorized Agent Corporations (AACs) na awtorisado ng PCSO na mamahala sa Small Town Lottery (STL).

Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na makakukuha ng mas magagandang resulta ang PNP kung magsasagawa ito ng totoong operasyon laban sa mga sindikato ng ilegal na sugal sa halip umanong salakayin ang mga government-authorized STL operator na nagpapatakbo ng legal na negosyo.

“We are aware that STL is being used and abused by some illegal gambling operators to legitimize their business, that they have been using it as a front to cover their illegal operations, that is why we are urging the PNP to do their job to go after these gambling lords who are using PCSO products as cover for their illegal operations,” lahad ni Balutan.

Aniya, dapat arestuhin ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sindikato ng sugal na nagpapatakbo sa paggamit sa STL, kabilang ang mga kolektor ng STL na gumaganap bilang illegal bookies.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ang ipinahayag ni Balutan matapos magreklamo ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal sa congressional hearing nitong Miyerkules, na patuloy pa rin umanong namamayagpag ang illegal gambling lords sa kanyang distrito.