Sa halip na sa Setyembre 23, sa Oktubre 5 na magsisimula ang paghahain ng Certificates of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa Oktubre 23, 2017.

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na iniurong ng en banc ang pagsisimula ng paghahain ng COC at petsa ng iba pang aktibidad sa halalan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang panahon ng paghahain ng COC ay mula Oktubre 5 hanggang 11.

Magsisimula naman ang election period sa Oktubre 1 at magtatagal hanggang sa Oktubre 30.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang panahon ng kampanya ay tatakbo sa Oktubre 12-22.

Ayon kay Jimenez, ginawa ang mga pagbabago upang mabigyan ang publiko ng sapat na panahon na makapaghanda para lumahok sa “#BSKE2017, should the elections not be postponed.”

Inilipat din ng Comelec ang effectivity ng iba’t ibang pagbabawal sa halalan – partikular na ang gun ban.

“The Gun Ban, therefore, will commence on Oct. 1 not on the 23rd of September 2017 as indicated previously,” ani Jimenez.

Gayunman, ang paghahain ng mga aplikasyon para sa gun ban exemption ay magsisimula pa rin sa Setyembre 21, alinsunod sa naunang itinakda. - Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago