Ni: Light A. Nolasco
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nalambat ng mga pulis ang sinasabing matinik na carnapper sa pinagtataguan nito makaraang ikasa ng mga awtoridad ang manhunt operation sa Barangay Canaanawan sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.
Pinangunahan ni Insp. Genaro Divina ang operasyon sa bisa ng arrest warrant sa kasong carnapping laban sa 17-anyos na lalaking suspek at residente sa lugar, na pinaglalagak ng P180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ayon sa pulisya, matagal na umanong pinaghahanap ang suspek hanggang sa matunton ang pinagtataguan nito.