Terrence Watson vs Jason Ballesteros (PBA Images)
Terrence Watson vs Jason Ballesteros (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Center –Antipolo)

4:15 n.h. -- Rain or Shine vs Alaska

7:00 n.g. -- Phoenix vs San Miguel Beer

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng San Miguel Beer na mapatatag ang kampanya sa top 4 spot papasok ng playoff sa pagsagupa sa sibak ng Phoenix sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nasa ika-4 na posisyon sa kasalukuyan hawak ang barahang 6-3, tatangkain ng Beermen na pumatas sa TNT Katropa at NLEX sa ikatlong puwesto sa pagtutuos nila ng Fuel Masters ngayong 7:00 ng gabi pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng Alaska at Rain or Shine ganap na 4:15 ng hapon.

Sisikapin ng Beermen na dugtungan ang nakaraang 118-112 na tagumpay kontra Kia Picanto noong Sabado sa pamumuno ni Junemar Fajardo na nagposte ng conference high 41 puntos.

Bukod kay Fajardo, aasahan din ni SMB coach Leo Austria sina import Terrence Watson at mga old reliables na sina Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Wala na sa kontensiyon sa hawak na barahang 2-8, magtatangka ang Phoenix na makasilat.

Kapwa naman naghahabol na umabot sa huling apat na upuan sa quarters, mag-uunahang makabalik ng winning track ang Elasto Painters (5-4) at Aces (3-7). - Marivic Awitan