Ni: REUTERS

SINA Avril Lavigne at Bruno Mars ang nanguna nitong Martes sa listahan ng celebrities na pinakamapanganib na i-search sa online dahil sa mga resulta na maaaring mag-expose sa fans sa malicious websites.

aVRIL copy

Sinabi ng cyber security company na McAfee na nasa top five din ng kanilang taunang listahan sina Carly Rae Jepsen, Zayn Malik at Celine Dion dahil ang searches sa pangalan nila ay maaaring maghatid sa fans sa suspicious links na maglalantad sa kanila sa malware.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa ulat, ang paghahanap sa “Avril Lavigne free mp3” ay nauuwi sa 22 porsiyentong posibilidad na magpunta sa malicious website.

Si Lavigne, 32, sumikat noong 2002 sa hit single na Complicated, ay naglaho sa celebrity scene nitong mga nakaraang taon dahil sa Lyme disease na ayon sa kanya ay dahilan ng pagkakaratay niya.

Gayunman, sinabi niya noong 2016 na nagbabalak siyang maglabas ng bagong album ngayong 2017 - ang kanyang una sa loob ng apat na taon - na nagbunsod ng pagtaas ng searches sa mga balita tungkol sa kanyang musika.

Ang 2017 McAfee study ay pinagharian ng mga musikero ngunit pasok din sa top 25 list ang mga aktor kabilang ang Pitch Perfect star na siAnna Kendrick, si Jennifer Lopez at ang rising star na si Hailee Steinfeld.

“In today’s digital world, we want the latest hit albums, videos, movies and more immediately available on our devices,” saad sa pahayag ni Gary Davis,vice president of global consumer marketing ng McAfee.

Sinabi niya na dapat maghinay-hinay ang netizens at ikonsidera ang mga panganib.

“Thinking before clicking goes a long way to stay safe online,” aniya.