NAKABAWI ang reigning NCAA champion Arellano University mula sa straight-set na kabiguan sa kamay ng Adamson matapos itala ang 25-16, 25-15, 25-18 panalo kontra Technological Institute of the Philippines para makalapit sa target na semifinals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nagtala ang Lady Chiefs ng 44 kills kontra sa 19 lamang ng Lady Engineers bukod pa sa pitong blocks at 9 na aces.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Chiefs sa markang 3-1, panalo -talo kasunod ng Lady Falcons (3-0 ) sa Group B,

Sa isa pang laro, ipinoste ng UP ang ikalawang sunod na panalo matapos itala ang ikalawang sunod na shut-out win, makaraang igupo ang St. Benilde, 25-19, 25-13, 25-19, para makasalo sa ikatlong puwesto ng San Beda hawak ang markang 2-1.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umiskor si Regine Arocha ng 17 hit, habang nagdagdag naman sina Andrea Marzan at Jovielyn Prado ng pinagsamang 24 puntos para sa Lady Chiefs.

Ang kabiguan ang ikapat ng Lady Engineers na pormal na nagtanggal sa kanila sa kontensiyon.

Dinomina ng Lady Maroons ang Lady Blazers na pinaulanan nila ng 38 hits, 8 blocks at 7 aces. - Marivic Awitan