Nina HANNAH L. TORREGOZA at LEONEL ABASOLA

Tumanggi ang isang bangko sa Singapore na mag-isyu ng certificate kay Senador Antonio Trillanes IV matapos humiling ang mambabatas ng mga dokumento na magpapasinungaling sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang offshore accounts sa bangko.

Lumipad si Trillanes sa Singapore nitong Lunes upang pasinungalingan ang mga akusasyon sa kanya ni Duterte na may itinatago siyang kayamanan sa iba’t ibang bangko sa Singapore, Hong Kong, New Zealand, Canada, at Switzerland.

Kahapon, nagtungo si Trillanes sa DBS Bank Alexandra Road branch sa Singapore upang kumuha ng certification sa kanya diumanong DBS account number 178000296012 na ipinapakalat ng mga tagasuporta ng Pangulo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi ni Duterte na ang “DBS account number 178000296012 in Singapore has a balance of 193,000.” Hindi nito binanggit kung anong currency, ngunit nakapangalan diumano ito sa namayapang ama ng senador na si Antonio Trilllanes.

Ngunit sinabi ng bangko na wala itong account na nakapangalan sa senador o sa isang “Antonio Trillanes.”

Pinuntahan din ni Trillanes ang Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) branch Raffles City Tower, para berepikahin ang diumano’y 278,000 Singapore dollars na deposito, ngunit itinanggi rin ito ng bangko.