Ni NITZ MIRALLES

PINATUNAYAN ni Angel Locsin na hindi siya nagseselos kay Bela Padilla, ang ex-girlfriend ng sinasabing boyfriend niya ngayon na si Neil Arce dahil nang i-post niya ang poster ng Last Night na sinulat ni Bela, kasama niya itong in-acknowledge.

NEIL BELA AT ANGEL copy

“Nakakakilig ‘yung Piolo-Toni! Nakakakilig rin ‘yung producer at may concept ng Last Night hihihi. Hi @neil_arce, proud of you! Directed by The @direkbinibini, written by @belapadilla! Congrats @starcinema @springfilmsinc & @n2_productions @boy2quizon_ #nicolojuban @neil-arce. Excited na akong mapanood ito!”

Showing sa September 27 ang balik-tambalan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at excited na pati ang press people sa premiere night nito. Ang ganda kung darating si Bela dahil sa siya ang sumulat ng istorya. Siyempre, darating si Neil dahil isa siya sa mga producer at mas gaganda ang gabi kung isasama ni Neil si Angel.

Lifehacks

Ilang tips para pokus ulit sa trabaho o pag-aaral matapos ang Holy Week break

O, di ba, ang ganda kung nasa iisang okasyon sina Angel, Neil at Bela?