PARIS (AFP) – Isang photo montage na inilathala ng Al-Qaeda para markahan ang 16th anniversary ng 9/11 ay nagpapakita ng mukha ni Osama bin Laden sa umaapoy na Twin Towers. Nasa kanyang tabi ang anak na si Hamza, ang ‘’crown prince of jihad’’.

Simula sa pagkabata, ang 28 anyos ay lumabas sa propaganda network na itinatag ng kanyang ama.

At ngayon, ilang opisyal at analysts ang naniniwala na posibleng sisikapin niya na pagkaisahin ang mga jihadist sa buong mundo, sasamantalahin ang kahinaang militar ng grupong Islamic State (IS) group. Pang- 15 sa 20 anak ni bin Laden, anak sa ikatlong asawa, si Hamza ay hinubog na sumunod sa mga yapak ng kanyang ama sa murang gulang pa lamang.

Sa ulat na inilathala ng Combating Terrorism Center (CTC), isinulat ng dating FBI special agent at Al-Qaeda specialist na si Ali Soufan na: ‘’Now in his late 20s, Hamza is being prepared for a leadership role in the organisation his father founded.”
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM