Ni REGGEE BONOAN

NANGAKO si Sylvia Sanchez sa pamilya niya na family day ang araw ng Linggo kaya wala siyang tatanggaping trabaho.

Pero hindi niya naiwasang labagin ito dahil sabay-sabay na nagdatingan ang teleserye, dalawang pelikula at may Beautederm caravan pa siya sa mga probinsiya.

SYLVIA AT PAMILYA copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakita namin ang schedule ni Ibyang na may taping ng bago niyang serye tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; shooting naman ng mga pelikulang Mama’s Girl (Regal Films) at ‘Nay (Cinema One Originals) kapag Martes, Huwebes at Sabado, at sa Linggo pumasok ang Beautederm caravan na kadalasan ay kinukuha rin ng ‘Nay shooting.

Kaya kapag medyo tanghali ang call time ni Ibyang ng Linggo ay maaga siyang gumigising para ipaghanda ng pananghalian ang pamilya na sasabayan niyang kumain. Kapag mahaba ang breaktime niya sa set, sinasabihan niya ang mag-aama na magkita sila para sa labas na lang kumain ng hapunan.

Ganito ang routine ni Sylvia nitong nakaraang halos dalawang buwan na at naiintindihan naman ito ng supportive hubby niyang si Art Atayde pati ng mga anak na sina Gela at Xavi na pareho pang nag-aaral.

Kung minsan, kapag may oras pa ay siya naman ang dinadalaw ng mga anak sa taping para bago man lang matulog sa gabi ay makita siya dahil paggising kinabukasan ay baka hindi sila magpang-abot.

Kahapon habang tinitipa namin ang item na ito ay sa La Loma Lechon ang taping ni Ibyang para sa teleserye. Malihim ang aktres, ayaw magbigay ng kahit konting tungkol sa istorya ng serye nila ng anak na si Arjo Atayde.

“Ibang klase ang pagkananay ko rito, hindi ko pa ito nagawa, tungkol ito sa anak kong si Arjo na gagawin ko ang lahat para sa kanya,” tanging sabi niya.

Siyempre curious na naman kami dahil ano pa ba ang nanay role na hindi pa nagagampanan ni Sylvia sa 27 years niya sa showbiz?

Nabanggit na niya noon na sa rami ng nanay role niya ay may mga nahahawig na rin sa totoong buhay, pero itong ginagawa nila ni Arjo ay hindi pa raw nangyari sa personal nilang buhay. O, di ba, exciting, Bossing DMB? Ano kaya ang kuwentong ito at kailan kaya ito eere?