Ni: Bella Gamotea

Kasunod ng inilabas na pagtaya ng Department of Energy (DoE) sa inaasahang oil price rollback ngayong Martes, naging taliwas ito sa inilabas na pahayag ng Flying V kahapon.

Sa pahayag ni Ila Ventanilla, ng Flying V, walang anumang paggalaw sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong Martes, Setyembre 19—na nangangahulugang walang rollback.

Sa taya ng DoE na inilabas nitong Linggo, sinabi nitong posibleng matatapyasan ng 15 sentimos ang p kada litro ng gasolina, 10 sentimos sa diesel at .05 sentimos sa kerosene ngayong Martes dahil sa pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa huling datos ng kagawaran, ang bentahan ng gasolina ay naglalaro sa P40.80-P50.99 kada litro, habang P29.40-P37.47 naman sa diesel.