LOS ANGELES (Reuters) – Kinansela ni Lady Gaga nitong Lunes ang European leg ng kanyang world tour dahil sa matinding pananakit ng katawan at pagpapagamot.
Kinansela rin ng Born This Way singer, 31, na nagsabing mayroon siyang fibromyalgia, ang pagtatanghal niya sa isang music festival sa Rio de Janeiro nitong nakaraang linggo at nagpaskil ng larawan niya na nasa ospital at may drip sa kanyang braso.
Sinabi niya sa kanyang social media accounts nitong Lunes na dismayado siya sa komento ng mga tao sa online na nagsasasabing, “I‘m being dramatic, making this up, or playing the victim to get out of touring. If you knew me, you would know this couldn’t be further from the truth.”
”I have always been honest about my physical and mental health struggles,“ anang Gaga. ”It is complicated and difficult to explain, and we are trying to figure it out.
“As I get stronger and when I feel ready, I will tell my story in more depth, and plan to take this on strongly so I can not only raise awareness, but expand research for others who suffer as I do, so I can help make a difference,” dagdag ng singer.
Ang fibromyalgia ay isang musculoskeletal pain disorder, na may kasamang fatigue at mood issues, na maaaring bunsod ng physical trauma o psychological stress.
Ang European tour ni Gaga para i-promote ang kanyang latest album na Joanne ay nakatakdang magsimula sa Setyembre 21 sa Barcelona, Spain, at magpapatuloy sa loob ng anim buwan. Ang mga ipinaskil na petsa ay hanggang 2018.
“She plans to spend the next seven weeks proactively working with her doctors to heal from this and past traumas that still affect her daily life, and result in severe physical pain in her body,” saad sa pahayag ng promoters na Live Nation.
Naospital ang singer noong 2013 dahil sa hip injury, at isang bagong documentary na pinamagatang Lady Gaga: Five Foot Two, ang nagdodokumento ng kanyang chronic pain.