Ni NITZ MIRALLES

MAY mga fans pala si Alden Richards na nagalit dahil sa pagpayag niya na gampanan si Boni Ilagan sa martial law special ng GMA-7 na Alaala dahil Marcos loyalists sila. Ang iba, sa sobrang galit, in-unfollow ang aktor pati ang network sa dahilang hindi kinuha ang panig ng mga Marcos.

Sa credits sa pagtatapos ng Alaala, nakasulat na sinubukan ng GMA-7 na kunin ang side ng mga Marcos sa sinulat ni Boni Ilagan, pero minabuti nilang huwag nang magsalita.

Anyway, ayon sa isang nagalit kay Richards ay walang Ilocano na nanood sa special at pati yata lahat ng Kapuso stars na pina-follow sa social media ay in-unfollow sa sobrang galit.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kinailangang mag-tweet ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson ng, “Paalam ko lang po sa inyo na ang lola po niya (ni Alden) ay from Sinait, Ilocos Sur... Wala po itong personalan. Trabaho lang. Salamat po.”

Pero kung may mga nagalit, mas marami ang pumuri sa lakas ng loob ni Alden na gawin ang project kahit alam na may mga magagalit at magre-react negatively, na nangyari nga.

Pero ang kapalit ay tumaas ang respeto at paghanga ng publiko kay Alden at kahit hindi niya fans, pinanood ang Alaala at naging fan ng aktor. Nag-react sila sa pamamagitan ng pag-tweet ng magaganda at positive comments nila.

Para sa fans at viewers na nakaintindi kung bakit tinanggap ni Alden ang Alaala ang tweet niyang, “Maraming salamat po sa lahat!”

Kaya lang, dahil sa Alaala, nagre-request ang fans ni Alden sa GMA-7 at GMA News & Public Affairs ng panibagong project na kasing ganda ng Alaala. Kung puwede, i-guest din daw uli sa Magpakailanman si Alden dahil nami-miss na nilang mapanood ang pagkaaktor niya.