LOS ANGELES, CA - SEPTEMBER 17: Actors Nicole Kidman and Reese Witherspoon (both at microphone) with cast and crew of 'Big Little Lies' accept the Outstanding Limited Series award onstage during the 69th Annual Primetime Emmy Awards at Microsoft Theater on September 17, 2017 in Los Angeles, California.   Kevin Winter/Getty Images/AFP

HINAMON ng Emmy awards red carpet ang traditional ideals ng Hollywood beauty nitong Linggo sa diversity in race, body shape at sexual identity na muling bumago sa biggest runway ng telebisyon.

Ipinamalas din ang ganitong variety sa fashion, kaya ang red carpet ngayong taon ay mas eclectic kaysa mga nakaraang event. Ang mga gown ay mula sa vibrant primary colors hanggang sa bohemian looks at makikintab na metallic hues, na likha ng sikat na designers sa buong mundo hanggang sa hindi gaanong kilalang talento.

Nagkaroon din ng creative outlet ang tuxedo sa ilang kalalakihan at kababaihan.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

“The diversity is amazing,” sabi ni Joyann King, executive editor ng Harper’s Bazaar.com “I love to see all the skin colors and shapes and sizes. It feels like we’ve come so far from the blond Barbie.”

Ang red carpet ngayong season, ayon kay King ay, “more variety, a range of ages in the woman walking the carpet, and a range of body shapes. It really feels like a celebration.”

Ang ibig niyang sabihin, ang pagdating ng bituin ng Orange is the New Black na si Laverne Cox na nakasuot ng liquid silver gown, si Lily Tomlin sa classic black suit, at si Priyanka Chopra sa form-fitting white gown embossed with silver.

Nagpakita ang araw bago binuksan ang red carpet para sa top honors sa telebisyon, at lalong pinakinang ang metallics at looks ng vibrant emerald, daffodil at scarlet pop.

“This felt magical, fairy-like” sabi ni Zoe Kravitz (Big Little Lies) sa kanyang Dior gown na pinalamutian ng rainbow-colored ribbons, samantalang si Tessa Thompson ay multi-colored pleated halter dress ng New York designer na si Rosie Assoulin ang isinuot.

Nagsuot si Donald Glover ng purple tuxedo, at si Anthony Anderson (black-ish) naman ay nagka-Armani white tuxedo jacket. Pinili ng co-star niyang si Tracee Ellis Ross ang silver sequins at feather hem mula sa Chanel.

“The feathers were dipped, the crystals were sewn,” kuwento ng nominee hinggil sa paggawa ng couture gown.

Crimson ang favorite choice ng maraming aktres na kinabibilangan nina Nicole Kidman, Heidi Klum, at Edie Falco, gayundin si Yvonne Strahovski (The Handmaid’s Tale), at presenter na si Issa Rae sa one-shoulder Vera Wang.

Ang komedyanang si Samantha Bee ay nagsuot ng emerald satin at si Angela Sarafyan (Westworld) ay rumampa suot ang bright, sunny yellow gown ng designer na si Elizabeth Kennedy.

Si Sofia Vergara (Modern Family) na nakasuot ng vampy white strapless gown mula sa Los Angeles designer na si Mark Zunino, nagpalamig gamit ang maliit na fan na nakakabit sa iPhone, habang inaaliw ni Felicity Huffman ng American Crime photographers, sa paglalaro sa long train ng kanyang blue lace dress.

Metallic silver naman ang pinili ng ilan pang stars, kabilang ang mga aktres na sina Uzo Aduba (Orange is the New Black) at Anna Chlumsky (Veep).

“I wanted something in the precious metal, could-be-mined-from-the-earth vein,” sambit ni Chlumsky hinggil sa kanyang Sachin & Babi gown.

Siyempre, palaging red carpet classic ang elegant white, at ito ang Emmys choice nina Susan Sarandon at Judith Light.

“I‘m playing dress-up,” sabi ng presenter na si Rachel Bloom, na binili mismo ang kanyang black Gucci lace dress. “I can re-sell it!” - Reuters