Ni: Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac – Patay ang isang tricycle driver matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang armado sa Sitio Aplas, Barangay Surgui 3rd, Camiling, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Alberto Martin, 33, ng Bgy. Cabanabaan, Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO3 Mario Simon, Jr., nakita umano ni Rodel Naelgas, nasa hustong gulang, ang biktimang nakatimbuwang sa sariling tricycle.

Probinsya

12.1°C, naitala sa La Trinidad, Benguet; amihan, inaasahang mas palalamigin pa ang panahon

Tinitingnang motibo sa krimen ang personal na alitan ng biktima at ng nakagalit na pasahero.