Ni: Jeffrey G. Damicog

Ipinag-utos kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na imbestigahan ang 13 pulis ng Caloocan City na umano’y gumamit sa isang binatilyo upang nakawan ang bahay ng isang babaeng negosyante.

Sinabi ni Aguirre na pangungunahan niya ang Department of Justice (DoJ) Task Force on Child Protection sa mabusising imbestigasyon tungkol sa paggamit ng mga pulis sa menor de edad.

“Any act which inflicts physical or psychological injury, cruelty to or the neglect, sexual abuse of, or which exploits, a child is child abuse,” saad sa pahayag ni Aguirre. “Such an act is an affront to the dignity of the child as a person. It cannot be tolerated and should be sanctioned to the full extent of our laws.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Siniguro ng kalihim na ang kanyang direktiba sa task force ay “to file the necessary charges against the responsible persons who have committed any act which is tantamount to child abuse.”

Nitong Huwebes, kinilala na ni Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Amando Clifton Empiso ang 13 pulis na sangkot sa insidente: sina PO1s Ariel Furlo, Marvin Pablete, Sherwin Rivera, Jay Sabatu, Shabang Sampurna, Rene Llanto, Louie Serrano, Jaypee Talay, Ronelio Julaton, Jay-R Sabangan, Jaime Natividad, Michael Miguel, at Joey Leaban.

Inaksiyunan ni Empiso ang apela ng 51-anyos na negosyante, na nagdala ng CCTV footage na nagpakita sa pagsalakay ng 13 pulis, kasama ang isang binatilyo, sa bahay ng negosyante sa Barangay 188 sa Tala.

Sa footage, bandang 9:00 ng gabi nang pinasok ng mga pulis ang bahay ng biktima at tinangay ng binatilyo ang namataang dalawang relo at isang cell phone. Ayon sa biktima, nawawala rin ang aabot sa P30,000 cash.