Zombie Infection
Zombie Infection

Ni Ernest Hernandez

MAKIPAGLABAN sa zombies. Gawing makatotohanan ang kapana-panabik na pakikipaglaban kontra sa gawa-gawang nilalang sa gaganaping Airfsoft-Zombie Infection sa Oktubre 14 sa Hosla Building sa Tomas Morato, Quezon City.

Inorganisa ng Red Tag, sa pakikipagtulungan ng Team Talong, asahan ang mas maaksiyon at puno ng sopresang programa sa naturang event na inaasahang kagigiliwan ng mga airsoft enthusiasts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“This year, we have different twists from just killing zombies on the battlefield,” pahayag ni Jamie Austria, project chairman ng Zombie Infection 3.

“Participants will now have a chance to solve puzzles, face different behaviors of zombies aside from the Juggernaut monster that we have. For you to finish the maze, you have to listen to the instructions fed to you by our tactical directors.”

Bukod sa Zombie Infection, nagoorganisa rin ang Red Tag ng qualifying event para sa pagsabak ng national delegation sa G&G Armament CQB shooting competition nitong Hunyo sa Taipei, Taiwan. Nagtapos ang Pinoy marksman sa 14th sa 30 koponan.

Sa mga nagnanais na makiisa sa kapana-panabik na event, magpadala ng entry sa [email protected] o maki-pagugnayan sa 0905-277-9571. Ang entry fee ay P550, ngunit pagkakalooban ng limitadong ‘freebies’ ang mga magpapatala ng mas maaga sa September 30 deadline.

Itinataguyod din ang Zombie Infection 3 ng Pintados Tactical, EOD Tactical, Bolt Airsoft, Bignose Productions, Rant and Raves Manila, XZBT Shirt Printing Services, HFC airsoft, Airsoft Forum Philippines, Orange at Teal Photography, MYOD printing services, Juan Beats at Blackbox Media.