NANAIG ang lakas ng kabataan sa duwelo ng T-Rex sa URCC- BETS (Battle Extreme Tournament of Superstars) 3 nitong Biyernes sa Casino Filipino-Manila Bay sa Luneta Park.

Ginapi ng 24-anyos na si Drex Zamboanga ng Top Guys International ang karibal na si Rex de Lara ng MUMMA /Fight Factory para makopo ang bakanteng titulo sa main event ng torneo.

Kapwa bantog sa alias na ‘T-REX’, matikas na nagpambuno ang dalawa sa kabuuan ng laban bago nakakuha ng tyempo si Drex sa penultimate round at mapitpit ang karibal para s akauna-unahang major title -- URCC/MMA bantamweight crown.

Sa iba pang laban, nanaig si Filipino bet John Adajar ng Hitman MMA kay Korean Lee Min Hyeok ng Crazy Gwang Gym via split decision para sa welterweight title, habang nakabawi ang kababayan na si Moon Syeung Gyu nang mapagbagsak si Southeast Asian Fighting Championship title holder Ruel Rio ng Yaw Yan sa loob lamang ng 42 segundo ng unang round para sa welterweight title ng torneo na inorganisa ni Universal Reality Combat Championship [URCC] founding president Prof. Alvin Aguilar, sa pakikipagtulungan ng Casino Filipino at Philippine Amusement and Gaming Corporation, sa pangunguna ni AVP-Entertainment czar Jimmy Bondoc.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang laban, nanaig si Jim Kimmayong ng Elements MMA kay Eff Sevilla ng Team Fight Republic; nanalo si Lucky Mateo ng Fight Corporation kontra Crisz Aplicador ng Hitman MMA .