SUBIC – Ibinaon ng defending champion St. Clare College-Caloocan ang Rizal Technological University sa serye ng long distance shooting tungo sa 75-60 panalo at kunin ang liderato sa Group A ng NAASCU Season 17 basketball tournament nitong weekend sa LSB gym sa Subic Bay Metropolitan Authority.
Nanguna sina MVP candidate Aris Dionisio at Rafael Rebugio sa naisalpak na 19 sunod na puntos sa final period para iatarak ang 71-51 bentahe mula sa dikit na 52-50 sa pagtatapos ng third period.
Nabigong makaahon ng Thunder, matikas na nakihamok sa unang tatlong period, ang tuluyang bumigay sa final three minutes.
Tangan ng Caloocan City-based Saints, pinangangasiwaan ni NAASCU president Dr. Jay Adalem at coach Jino Manansala, ang 6-1 karta.
Naitala ng The Saints ang ika-anim na sunod na panalo matapos mabigo sa opening day match kontra Philippine Christian University nitong Agosto 17 sa Cuneta Astrodome.
Hataw si Dionisio sa naiskor na 14 puntos at 14 rebounds para sa Saints, sigurado na sa quarterfinal round tangan ang ‘twice-to-beat advantage’.
Nag-ambag si Rebugio ng 12 puntos, limang rebounds at apat na assists para sa Saints, nagtatangka sa kanilang back-to-bacj championship.
Kumubra si Kerr Hastley Bangeles ng 18 puntos at pitong rebounds para sa RTU.
Nakopo naman ng Holy Angel University ang ikalawang panalo sa limang laro nang gapiin ang De La Salle-Araneta University, 83-78.
Si dating PBA star Pido Jarencio ang commissioner.
Iskor:
(Unang laro)
HAU (83) -- Sampang 18, Candelaria 17, Patawaran 12, Tungcul 11, Pacoma 9, Luna J. 7, Ocampo 5, Luna F. 4.
DLSAU (78) -- Briones 20, Aquino 15, Cortes 13, Batungbakal 13, Del Rosario 7, Correche 6, Alcoran 2, Dela Torre 2.
Quarterscores: 19-16, 42-46, 59-56, 83-78.
(Ikalawang laro)
SCC (75) -- Dionisio 14, Rebugio 12, Hallare 11, Fuentes 11, Pare 9, Rubio 7, Alcober 4, Puspus 3, Mendoza 2, Palencia 2.
RTU (60) -- Bangeles 18, Marks 10, Liquinan 9, Estoce 7, Tabi 7, Flores 4, Tilos 2, Reyes 2, Señires 1.
Quarterscores: 16-8, 34-31, 52-50, 75-60