Ni REY G. PANALIGAN

Inatasan kahapon ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng 16-anyos na si Michael Angelo Remecio na ang bangkay, na natagpuan ng mga basurero sa Bulacan noong nakaraang linggo, ay isinilid sa sako habang nakagapos ang mga kamay gamit ang nylon cord.

Ayon sa mga imbestigador, love triangle at ang umano’y pagkakasangkot ni Remecio sa illegal drugs trade ang tinitingnan nilang anggulo.

Ang kahilingang magsagawa ng imbestigasyon ang NBI, naka-address kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ay ginawa ni Chief Persida Rueda-Acosta of the Public Attorney’s Office (PAO).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Hiniling din niya sa NBI na imbestigahan ang pagkamatay nina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Inilibing kahapon si Remecio, residente ng Caloocan City, matapos isagawa ng forensic experts ng PAO ang autopsy, ayon na rin sa kahilingan ng magulang nito.

Sinabi ni Acosto na “the Remecio family is crying for justice and they trust the NBI better than the police in investigating and resolving the crime.”

Matapos ang anthropological at dental examinations ng PAO, lumabas sa resulta na ang bangkay na natagpuan sa Bulacan ay si Michael Angelo na nawala noong Agosto 26.