Plano ni Pangulong Duterte na konsultahin ang kanyang security cluster at iba pang sangay ng gobyerno bago magdesisyon sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa mga rebeldeng komunista.

Sinabi ng Pangulo na siya ay “not averse” sa posibilidad na ituloy ang peace talks ngunit hindi kayang desisyunan ito nang mag-isa lalo na sa gitna ng dumadaming pag-atake ng mga rebelde laban sa puwersa ng gobyerno.

“If you want to resume the talks, I am not averse to the idea, but let me sort out first the other branches of government,” pahayag ng Pangulo nang magtalumpati sa Davao City nitong Sabado.

“There are things which I cannot concede alone because I am not the only one in control of this government. I share power with Congress and the Supreme Court,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nadismaya sa pag-atake ng mga rebelde kamakailan, una nang sinabi ng Pangulo na “no more talks” sa grupo sa susunod na limang taon. Sinabi niya na kung ayaw ni Jose Maria Sison, nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), na magsagawa ng peace talks, hindi rin niya gustong ituloy ang negosasyon.

Ngunit nitong Sabado, nagpahayag ng pag-asa ang Pangulo sa posibilidad na ituloy ang usapan depende sa magiging konsultasyon ng mga kapwa niya government leader. - Genalyn D. Kabiling