Inilunsad na ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang 2017 MBC National Choral Competitions sa dalawang dibisyon, ang Children’s Choirs at Open Category. Ito ang tampok sa kanilang taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy.

Magkakaroon ng live auditions sa Cebu City sa Setyembre 30, sa General Santos City sa Oktubre 1, sa Lucena City (Quezon) sa Oktubre 7, sa Star Theatre sa Oktubre 15, sa Zamboanga sa Oktubre 20, sa Laoag City (Ilocos Norte) sa Oktubre 27, at sa Cauayan City (Isabela) sa Oktubre 29.

Ang mga nakatira sa malalayong lalawigan na nais mag-audition ay maaaring magpadala ng DVD recording video ng kanilang audition, kasama ang application form sa MBC sa Sotto Street, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City. Kailangang matanggap ito bago ang Oktubre 16.

Nasa P100,000 ang matatanggap ng magwawagi sa children’s division at P150,000 naman para sa magkakampeon sa open category. May travel subsidy rin para sa bawat provincial choir na papasok sa competition proper, na gaganapin sa Aliw Theater sa Disyembre 5-9, 2017.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maaaring makuha ang detalyadong contest mechanics sa official Facebook page ng MBC National Choir Competitions, o mag-email sa [email protected].