Ni Marivic Awitan

INANGKIN ng National University ang solong pamumuno sa Premier Volleyball League Collegiate Conference Group A pagkaraang pataubin ang Far Eastern University ,22-25, 28-26, 29-27, 25-22 sa pagtatapat ng dating dalawang unbeaten teams nitong Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Naghabol ang Lady Tamaraws sa bawat set bunsod nang impresibong play ng Lady Bulldogs, sa pangunguna ni Bernadeth Pons.

Sa second frame, muntik na namang maagaw ng Lady Tams ang tagumpay sa Lady Bulldogs matapos itabla ng una ang laro sa 23-all mula sa 17-20 na pagkakaiwan at nakauna sa set point ang FEU dahil sa attack error ni Jorelle Singh.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mula roon nakadalawang set point chances pa ang Lady Tamaraws na pawang nauwi sa wala hanggang selyuhan nina Jaja Santiago at Aiko Urdas ang panalo para itabla ang laban sa 1-set all.

Sa dikdikang third set,sina Santiago at Urdas ulit ang nagsalba sa Lady Bulldogs.Si Urdas ang nagpatabla ng laro sa 27-all bago tinapos ni Santiago ang set sa pamamagitan ng back-row hit at isang smash.

Huling hirit ng Lady Tamaraws, ang pagbalikwas mula sa 10-16, na pagkakalugmok sa fourth set na nailapit nila sa 19-20 bago tuluyang inangkin ng NU ang panalo matapos ang dalawang aces nina Audrey Paran at Jasmine Nabor at ang game-winning hit ni Urdas.

“We’ve been trying to do a system for the past few weeks. In the first week, it was a struggle for us. But, slowly, naiintindihan na ng mga bata ‘yung system,” ani NU head coach Babes Castillo.

Pinangunahan ni Santiago ang lahat ng scorers sa itinala nyang 26 puntos kasunod si Urdas na may 15 puntos.

Nanguna naman para sa FEU si team captain Bernadeth Pons na may 18 puntos at 23 digs.