Tinatayang nasa 17 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong 'Maring' sa Luzon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC), 17 ang naitala nilang nasawi, lima rito ang kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG), habang 12 pa ang bina-validate ng ahensiya.

Aniya, patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang siyam na katao na sinasabing nawawala kasunod ng pananalasa ng Maring.

Kabilang sa mga nasawi ang magkapatid na teenager na naguhuan ng lupa ang bahay sa Taytay, Rizal, isang 15-anyos na lalaki at isang tatlong taong gulang na babae na kapwa nalunod sa baha sa Laguna, isang 12-anyos na babaeng nalunod sa creek sa Pasay City, at isang sanggol na nadaganan ng gumuhong pader sa Lucena City, Quezon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniulat din ng NDRMMC na 1,822 bahay ang nasira habang P290.8-milyon ari-arian at imprastruktura at pananim ang napinsala sa Maring. - Beth Camia