ASHGABAT, Turkmenistan – Olats na nga, may medalya pa.

Ito ang suwerteng dumapo kay Alvin Lobreguito na nakasiguro ng bronze medal sa traditional Wrestling event sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games nitong weekend sa Ashgabat Olympic Stadium dito.

Natalo si Lobreguito sa home bet na si Yakupnazar Yakubow, 0-4, sa opening match ng 57kg men’s freestyle. Ngunit, sa kakulangan ng entry sa naturang division, awtomatikong pumasok sa semifinal ang Pinoy at nakasiguro ng bronze medal anuman ang kaganapan sa kanyang laban kontra Raridun Qurbov ng Tajikistan.

Makakaharap ni Yakubow sa finals si Allanur Gocow na nagwagi kay Qurbonov, 4-0.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman pinalad ang tatlo pang Pinopy wrestlers na napatalsik sa kani-kanilang division.

Nabigo si Neomi Tener kay Ambreen Masih ng Pakistan, 4-1, sa 58kg, natalo si Grace Loberanes kay Lacyn Badaglyyewa ng Turkmenistan, 5-0, sa 52kg, at kinapos si Johnny Morte kay Turkman Döwletgeldi Berdiyew, 5-0, sa 68kg.

Nakatakda naming sumabak ang 10 jiu-jitsu fighters ngayon, sa pangunguna ni three-time International Brazilian Jiu-Jitsu Federation World Championship winner Meggie Ochoa at two-time Asian Beach Games gold medalist Annie Ramirez.

Sa Incheon, South Korea edition noong 2013, nagwagi ang bansa ng isang ginto at dalawang bronze medals.

Sasabak din sina Filipino tennis players Jason Patrombon, Anna Clarice Patrimonio at Khim Iglupas sa opening day.

Mapapalaban ang 19-anyos na si Iglupas at ang 23-anyos na si Patrimonio sa women’s singles at magkatambal sa doubles event. Sasabak din si Iglupas kasama si Patrombon sa mixed event.