Matapos ang sunud-sunod na dagdag-presyo sa petrolyo, rollback naman ang aasahan ng mga motorista ngayong linggo.
Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng bumaba ng 15 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, 10 sentimos sa diesel, at .05 sentimos naman sa kerosene.
Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa huling datos ng DoE, ang bentahan ng gasolina ay nasa P40.80-P50.99, kada litro habang P29.40-P37.47 naman sa diesel.
Setyembre 12 huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis, nang magdagdag ng P1.30 sa kada litro ng diesel, 90 sentimos sa kerosene, at 45 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea