Alexa, Nash, Jerome, Joashua, Loisa, Mackoy at Elise
Alexa, Nash, Jerome, Joashua, Loisa, Mackoy at Elise

Ni REGGEE BONOAN

MAHIRAP bang maging good son?

Ito ang tanong sa mga gumanap na anak ni Albert Martinez sa bagong teleseryeng The Good Son mula sa Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa Setyembre 25, Lunes.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang The Good Son ay kinabibilangan nina Jerome Ponce, Nash Aguas, Mackoy de Leon at Joshua Garcia kasama rin sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio, at Elisse Joson na humarap sa bloggers presscon nitong nakaraang Huwebes.

Ang sagot ni Nash kung good son ba siya, “Siguro I’ll gave myself 8 points po in scale of 1-10 kasi ‘yung 2 points is room for improvement. Hindi naman lahat tayo ay perfect.

Say naman ni Mckoy, “Siguro po 9.5%. Tinata-try ko po ‘yung best ko bilang isang anak lahat kasi ng ginagawa ko po ngayon, para sa kanila. Ako po ang breadwinner sa pamilya.”

“As a good, honestly 6%. Kasi hindi ko ganu’n ka-close ‘yung family ko kasi mas pinili ko kaagad ang sarili ko, enjoy ko lang computers. Sabi nga ng mga mas matanda, ang huling bagsak mo ay pamilya mo. As of now po 6% pa lang kasi natututo na ako at soon to be (good son),” kuwento ni Jerome.

Na-curious ang lahat kay Jerome dahil tila marami siyang napagdaanan sa buhay at inaming hiwalay ang magulang niya.

“Separated po, hindi naman po masisisi ang mom and dad, life happens, sh*t happens. Masaya naman po ako kasi napalaki naman nila ako at hindi naman ako natuto ng mga bagay na hindi okay. Magsasama naman kami in the end,” pagtatapat ng aktor.

At si Joshua, “Iri-rate ko po ang sarili ko 9%. Tulad ng sabi nila, walang perpektong anak kasi ako ‘yung nagpo-provide para sa pamilya ko. Pinapaaral ko ‘yung ate ko, feeling ko, dagdag points ‘yun para maging good son ako bukod pa sa emotionally, ‘yung naipaparamdam ko sa kanila. Hindi po buo ang family ko, separated po ang papa and mama ko.”

Natanong ang apat kung ano ‘yung mga hindi nila malilimutan sa kani-kaniyang ama.

Nauna si Nash: “Kasi ‘yung dad ko po, nasa States (San Francisco, California), ‘tapos separated po sila ni Mommy, medyo matagal na kaya ang hirap sa akin i-share at ngayon ko lang sinabi ang totoo, ngayon po mas medyo madali na sa akin.

“Memories ko po kay Dad, siguro ‘yung time na pumunta siya rito ‘tapos nagkabati kami, this year lang po iyon. Malungkot po na wala ang dad ko at the same time, thankful ako kasi nu’ng nawala siya, kinailangan kong mag-step up for my mom and younger sister.”

Mckoy:” Simple lang po sa amin kasi kapag may trabaho ako, si Daddy po nagda-drive sa akin, ‘yung mga simpleng ganu’n malaking bagay po sa akin kasi doon kami nagkakaroon ng kuwentuhan.”

Jerome: “Fondest memories ko with my dad is during the time na wala akong alam sa buhay like negosyo, pagiging matalino, mga turo niya lahat. Everytime na binabalikan ko lahat iyon, tama lahat kasi lagi niya akong sinasabihan na masyadong matopak, huwag makipag-usap sa mga taong ganito o kaya huwag masyadong maging (abala) sa computer, isipin ko lagi na kapag aalis ako ng bahay, mag-iiwan ako, hindi magdadala.”

Joshua: “Lahat po meaningful sa akin lalo na sa mga pinagdaanan ko nu’ng hindi pa ako artista, ang hirap kasi lahat ng sablay namin, fondest memories pa rin ‘yun kasi do’n sa maling iyon, natuto kami, ‘yung mga hirap na pinagdaanan namin kasi lumaki ako na nasa papa lang ako siya ‘yung tumayong nanay ko kaya lahat iyon fondest memories ko.”

Sa naturang blogcon lang namin nalaman na hindi pala biro ang mga pinagdaanan nilang mga hirap sa buhay sa kabila ng kasikatan nila ngayon, kaya hindi kataka-taka na pinupuri ang apat pagdating sa pag-arte nila sa The Good Son, mula sa direksiyon nina Manny Palo at Andoy Ranay handog ng Dreamscape Entertainment.