Ni MARIVIC AWITAN

BINUWELTAHAN ni San Sebastian College coach Egay Macaraya si San Beda mentor Boyet Fernandez hinggil sa naging pahayag nito na ‘marumi maglaro’ ang kanyang Stags star na si Michael Calisaan.

egay copy

“Boyet (Fernandez) has no right to call Michael (Calisaan) a dirty player. He is destroying the dignity of Michael as well as the referees and the commissioner,” pahayag ni Macaraya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nauna nang inakusahan ni Fernandez ang 6-4 na si Calisaan na nananakit sa kanyang player sa post game interview matapos ang 76-65 na paggapi ng Lions sa Stags nitong Biyernes ng hapon sa second round ng NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Center.

Natawagan si Calisaan ng disqualifying foul kontra kay San Beda forward Javee Mocon may 3.33 ang nalalabi sa first quarter .

Ngunit, matapos repasuhin ang video ng pangyayari, ibinaba ang tawag sa unsportsmanlike foul ng mga referees.

Nauna nang nasuspinde si Calisaan noong first round matapos ang kanyang dalawang flagrant fouls kontra kay Emilio Aguinaldo College forward Sydney Onwubere.

Subalit sinabi ni Macaraya na may hawak silang video na hindi dapat flagrant foul ang itinawag sa isa sa mga naturang flagrant foul.

“We sent a video to the commissioner because Onwubere was obviously just flopping, Michael is really the victim here,” ani Macaraya.

Sinabi din ni Macaraya na nanahimik sila nang masuspinde si San Beda guard Robert Bolick sa nakaraang laban ng mga ito kontra St. Benilde noong first round.

“I don’t know what’s his problem (Fernandez), they’re the one who are winning and we’re the ones losing and yet he keeps on complaining,” saad ni Macaraya. “Did they hear us say anything bad against Bolick when he was ejected when it was obvious he was caught that he threw a punch.”

“They’re destroying the name of Michael and our team,” pahabol pa nito.