Ni: Fer Taboy

Nakatakdang magsanay kontra terorismo ang Pilipinas at United States dito sa bansa at Hawaii sa susunod na linggo.

Inihayag ng Department of National Defense (DND) na tampok sa “Tempest Wind” counter terrorism drill ang crisis management, at counterterrorism at security operations.

Sinabi ni DND Public Affairs Director Arsenio Andolong na layunin ng pagsasanay na paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas at US na magtutulungan sa operasyon sa panahon ng krisis, lalo na sa terorismo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon sa US Embassy, ang “Tempest Wind” ay inaprubahan ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board noong Nobyembre 2016.