Police and forensic officers work at a property in Sunbury-on-Thames, southwest London, as part of the investigation into Friday's Parsons Green bombing, Saturday Sept, 16, 2017. British police made what they called a

LONDON (REUTERS) – Inaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na lalaki sa departure lounge ng Dover port nitong Sabado kaugnay sa pambobomba sa isang commuter train sa west London na ikinasugat ng 30 katao noong Biyernes. Sinisilip ng mga awtoridad ang posibilidad na mahigit isang tao ang nagsagawa ng pag-atake.

Matapos arestuhin ang suspek sa Dover, isang ferry port sa timog silangan kung saan sumasakay ang mga pasahero patungong France, sandaling pinalikas ng pulisya ang mga tao sa lugar.

Makalipas ang isang oras, hinalughog ng mga pulis ang isang bahay sa timog kanluran ng London, at pinalikas ang mga tao malapit sa lugar. Pumasok ang mga pulis na nakasuot ng forensic suits sa nasabing bahay sa Sunbury, may 18 kilometro ang layo mula sa Parsons Green kung saan sumabog ang bomba.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline