Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center - Antipolo)

4:30 n.h. -- Blackwater vs Globalport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:45 n.g. -- Star vs TNT Katropa

MAKASALO sa ikalawang posisyon na kasalukuyang kinalalagyan ng NLEX (7-3) kasunod ng mga namumunong Ginebra at Meralco (7-2) ang target ng TNT Katropa sa kanilang pagtutuos ngayong gabi ng Star sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang Katropa hawak ang barahang 6-3 karta habang nakabuntot sa kanila ang Hotshots na may barahang 5-3, kasalo ng Rain or Shine at San Miguel Beer.

Parehas galing sa panalo, ang Hotshots kontra Globalport Batang Pier nitong Biyernes, 109-83 at ang Katropa buhat sa back-to-back wins kontra Bolts at Road Warriors.

Inaasahang muling mamumuno para sa Star ang kanilang batang batang import na si Malcolm Hill na nanguna sa huling panalo ng Hotshots na tumapos sa kanilang 3-game losing skid.

Sa kabilang dako, nagsisimulang mag-move on buhat sa pagkawala ng kanilang long-time veteran forward na si Ranidel de Ocampo na na-trade kamakailan sa Meralco target naman ng Katropa ang ikatlong dikit na panalo sa pamumuno ng import na si Glenn Rice Jr.

Mauuna rito, kapwa naghahangad na makasingit sa huling biyahe patungo sa playoffs, magdidikdikan ang Blackwater at Globalport ganap na 4:30 ng hapon.

Magkasunod sa kasalukuyan sa ikalima at ikaanim na posisyon ang Elite at Batang Pier taglay ang markang 4-5 at 3-6, ayon sa pagkakasunod.

Ang kabiguan ay tuluyang magpipinid sa pinto ng quarters para sa Globalport at pormal namang kukumpleto sa playoffs cast.