Ni: BRIAN YALUNG

UMAASA si John Karlo ‘JK’ Casino ng Centro Escolar University Scorpions na mapapansin ng mga scout, manager at ng PBA teams ang kanyang naging performance sa amateur at mapabilang sa mapipili sa gaganaping 2017 PBA Drafting.

“Sa tingin ko po ready na ako. Kasi for almost 2 to 3 years, nakikita ko na yung mga ka-batch ko like John Pinto, Levi Hernandez and Jio Jalalon (his teammates before when he was still with Arellano). Parang motivation sa akin yun.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Perfect timing na din kasi di ako sumabay sa kanila kasi maganda pinapakita ko” sambit ni Casino.

Nakatuon ang top pick ng drafting kay Fil-German Christian Standhardinger na nagpamalas nang kahusayan sa kanyang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa dalawang international tournament.

Kung kaya’t aminado si Casino na ang labanan sa draft day ay sa top 10.

“Kasi sa akin, di mo maiwasan yung na susukatin sarili mo. Marami akong iniisip eh. Pwedeng sa first round or second round. Ginawa ko na lang, binibigay ko na lang lahat sa practice at sa games. Come PBA Draft night, anuman mangyari – first round, second round or kahit di man ma-draft – no regrets. Di na lang ako nag e-expect. Whatever happens, happens,” aniya.

Hindi mahalaga para kay JK kung anung team ang kukuha sa kanyang serbisyo, ngunit nangako siyang gagawin ang lahat para matulungan ang kanyang koponan.

“Pero kung ako ang papipilian, gusto ko sa sana sa Alaska. Kasi growing up, napanood ko si LA Tenorio and Willie Miller. Sa Cagayan kasi madalas ang Alaska dahil kay Jojo Lastimosa. Sa lineup nila ngayon, curious ako sa guard spot nila. Kung puwede dun ako basta ‘wag lang ako mapunta sa mga loaded na team, para magamit ako,” pahayag ni Casino.

“Yung Mahindra kasi nakalaro namin in a tune-up game. Medyo maganda yung pinakita dun at yung mga guards dun kakilala ko. Being a new team, at least dun siguro makakalaro ako,” aniya.

Anu’t anuman ang maging kaganapan sa draft day, handa si Casino sa kanyang pagsabak sa pro rank.

“Energy and never-say-die attitude ko. Yung never give up talaga at di mo na iisipin kung sino kalaban mo (ex-pro or veteran). Sa akin, I can fit in as a role player. Kung ano yung binigay sayo na role, dun ako mag-stick para makatulong sa team,” aniya.