Ni: Mary Ann Santiago

Libreng sakay ngayong Linggo, Setyembre 17, ang handog ng pamunuan ng Light Rail Transit Line (LRT)-1 para sa lahat ng guro sa bansa.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), LRT-1 operator, ito ay bilang pakikiisa sa National Teachers’ Month at pagkilala sa mahalagang papel ng guro sa paghubog sa mga mag-aaral.

“All teachers can enjoy free rides on LRT-1 all day Sunday, September 17 in all 20 stations of LRT-1 from Baclaran in Parañaque City to Roosevelt in Quezon City,” saad sa pahayag ng LRMC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Upang libreng makasakay, kinakailangan lamang iprisinta ng guro ang Department of Education (DepEd) ID, Professional Regulation Commission (PRC) teacher’s license, o ID card sa pinapasukang paaralan.