INIHAHANDOG ng GMA Public Affairs ang Alaala: A Martial Law Special at gagampanan ni Alden Richards ang buhay ng Martial Law activist at award-winning screenwriter na si Bonifacio “Boni” Ilagan.

Alden copy

Apatnapung limang (45) taon simula nang ideklara ang Batas Militar ni dating Pres. Ferdinand Marcos, ang mga biktima ng human rights abuses ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya. At ang ilang taon sa ilalim ng Batas Militar ay tila limot na. Sa tantiya ng mga organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao, sa ilalim ng Martial Law ay 70,000 ang mga nakulong, 34,000 ang nakaranas ng torture, 3,240 ang mga pinatay, 884 ang nawala at 612 ang hindi pa rin natatagpuan.

Ang Alaala: A Martial Law Special ay isang pelikula sa loob ng isang dokumentaryo. Susundan nito si Boni, na ipinangalan kay Andres Bonifacio. Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalauna’y dinakip at tinorture sa kamay ng Philippine Constabulary. Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasa-pelikula at gagampanan ni Alden.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Challenging para kay Alden ang pagganap niya bilang nakababatang si Boni.

“Physically, psychologically, emotionally, mentally — mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured in any of my roles when I was doing projects with soaps and movies,” sabi ni Alden.

Mapapanood din sa pelikula sina Gina Alajar, bilang ina ni Boni; Bianca Umali, bilang kapatid ni Boni na si Rizalina; at si Rocco Nacino bilang kaibigan ni Boni na si Pete Lacaba.

Sa kanyang paghahanda para sa role, nadiskubre ni Rocco na kamag-anak pala niya ang award-winning writer. “(Sir Pete) came to me, saying, ‘Hey you know what, I’m your mom’s second cousin.’ So that night halos hindi ako makatulog. Nag-research ako, I called up my mom and then na-confirm na kamag-anak ko pala si Sir Pete. It makes everything more meaningful at mas malalim para sa akin,” pagsasalaysay ni Rocco.

Mapapanood ang Alaala: A Martial Law Special ngayong Linggo (Sept. 17) sa SNBO sa GMA-7.