Ni Charina Clarisse L. Echaluce
Nakatakdang humarap si Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa Commission on Appointments (CA) bago matapos ang Setyembre.
“I just received notice yesterday that it will be on September 26,” sinabi kahapon ni Ubial sa “MB Hot Seat” ng Manila Bulletin.
Inulit ng Department of Health (DoH) chief na ipinauubaya na niya sa Diyos ang kanyang appointment bilang Secretary of Health.
“How do I feel? I leave it up to God. Sabi ko, I cannot control it. I have no means of, actually, predicting it or influencing the outcome,” sambit ni Ubial.
Idinagdag niya na desisyon ng mga mambabatas kung magpapatuloy siya o hindi bilang hepe ng DoH.
“I’ve been with government for 28 years, ang sa akin lang, trabaho lang. If the members of Senate and Congress would like me to continue to working as the DoH Secretary, I leave it up to them,” aniya.
Samantala, sakaling siya ay tanggalin, mananatiling public health servant si Ubial.
“If they don’t want me, I will still continue working with the Filipino in whatever capacity,” paniniguro ni Ubial.