Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Magpapatupad ngayong Sabado ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 12-oras na brownout na makaaapekto sa buong hilagang-silangan ng Surigao at ilang panig ng Surigao del Norte.

Ganap na 6:00 ng umaga mawawalan ng kuryente, na tatagal hanggang 6:00 ng gabi, at maaapektuhan ang 54 na barangay ng Surigao City, at ang mga bayan ng San Francisco at Malimono sa Surigao del Norte.

Ayon kay NGCP Regional Corporate Communication and Public Affairs officer Glory Rebleza, bibigyang-daan ng brownout ang preventive maintenance sa Placer-Surigao 69 KV Sub-Transmission line.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito