Ni: Clemen Bautista

ISA ang giyera kontra droga sa mga inilunsad na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte simula nang manungkulan bilang lider ng ating bansa noong Hunyo 2016. Ang pagsugpo sa droga ang ipinangako ng ating Pangulo noong panahon ng kampanya sa panguluhan noong Mayo 2016. Ayon pa sa Pangulo, susugpuin ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, gayundin ang katiwalian sa pamahalaan. Ang naging tagapagpatupad ng kampanya kontra droga ay ang Philippine National Police (PNP), sa pangunguna ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Ang kampanya kontra droga ay tinawag na “Oplan Tokhang”.

Sa paglulunsad ng Oplan Tokhang, naging bahagi na ng mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan ang pagtimbuwang ng mga pinaghihinalaang drug user at pusher. Sa paglipas ng mga araw at buwan, lumobo ang bilang ng mga napapatay na mga drug user, pusher suspect. Idagdag pa ang bilang ng mga naitumba ng mga vigilante na sinasabing mga pulis din. Sa mga naitumba o napatay, napansin ng ating mga kababayan na pawang nakatsinelas at marumi ang sakong na drug user ang pinasok sa loob ng bahay at itinumba. Walang magawa ang mga kamag-anak o pamilya ng mga biktima kundi ang manangis, sumigaw at humingi ng katarungan. Ngunit ang sigaw at pagtangis nila ay suntok sa buwan at sabunot sa panot.

Sang-ayon ang ating mga kababayan sa kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte. Marami ang nagpasalamat sapagkat bihira na ang nagiging biktima ng panghoholdap. Ligtas na nakakauwi ang mga empleyado at manggagawa na ginagabi sa pag-uwi mula sa kani-kanilang trabaho. Ngunit ang iba ay hindi sang-ayon sa nagaganap na police operation na umabot na sa libu-libo ang napatay na mga drug user at pusher suspect. Halos mabibilang sa daliri sa kamay ang napatay na drug lord suspect. Ang una ay si Albuera, Leyte Rolando Espinosa na napatay habang nasa kulungan na sinasabing nakipagbarilan sa mga police operative. Ang ikalawa ay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog. Nagtatanong naman ang iba na kailan maitutumba ang mga pusakal na drug pusher at drug supplier na nakapagpupuslit ng droga sa bansa?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang giyera kontra ng Pangulong Duterte ay umani ng mga puna at batikos mula sa mga human rights advocate hindi lamang sa iniibig Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at iba pang samahan na nagpapahalaga sa buhay ng tao. Ang nagiging tugon ng ating Pangulo sa mga pumupuna sa giyera kontra droga ay pagmumura. Ang pagsasabing hanggang siya ang pangulo ng Pilipinas ay tuluy-tuloy ang giyera kontra droga.

Natigil sandali ang giyera kontra droga nang gamitin ng ilang tiwaling pulis ang Oplan Tokhang. Nagamit sa katarantaduhan at tinawag na “Tokhang for Ransom”. Mababanggit na halimbawa ang dinukot na negosyenteng Koreano sa Angeles, Pampanga. Nagbigay na ng P5 milyon ang misis ng Koreano, pinatay pa ang biktima sa loob ng Camp Crame. Pina-cremate ang Koreano at ang abo ay ipinalulon sa toilet bowl. Napahiya ang administrasyong Duterte. Humingi ng paumanhin sa pamilya ng biktima at sa gobyerno ng South Korea.

Nang mabalik ang kampanya kontra droga, sinabi ni PNP chief Director Genaral Bato na hindi na magiging madugo ang kampanya sapagkat iba na ang sistema ng PNP. Sinala ang mga opisyal at tauhan ng PNP na kasama sa giyera kontra droga. Ang police operation ay tinawag na “Oplan Tokhang Double Barrel”.

Ngunit hindi hindi natupad ang ipinahayag ng hepe ng PNP na madalas umiyak sa pagdinig sa Senado. Lalong naging madugo ang giyera kontra droga sapagkat noong gabi ng Agosto 15, 2017, sa police operation sa Bulacan, umabot sa 32 suspect sa droga ang napatay. Makalipas ang dalawang araw, umabot naman sa 25 suspect din sa droga ang tumimbuwang sa police operation ng Manila Police District. Sinundan ng 22 naitumba sa Caloocan City. Nasabi tuloy ng iba nating kababayan, parang may quota ang mga pulis sa inilulunsad nilang police operation. Pinasinungalingan naman ito ng tagapagsalita ng PNP.