Ni MINA NAVARRO

Mahigit anim na milyong manggagawa sa Metro Manila ang makatatanggap ng P21 dagdag-sahod sa susunod na buwan pagkatapos mapagkasunduan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) na itaas ang P491 arawang sahod sa P512.

Inihayag ng wage board ang dagdag-sahod matapos ang ilang buwang public consultation sa mga mamumuhunan.

Una nang hiniling ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang P184 wage increase mula sa umiiral na P491, upang makaagapay ang mga manggagawa sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa pagsubaybay na ginawa ng ALU-TUCP, tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng National Wage and Productivity Commission (NWPC) na ang purchasing power ng P491 ay bumaba sa P354.51 noong Hulyo 2017, o 27.79% ang ibinagsak.

Sinabi ng tagapagsalita ng ALU-TUCP na si Alan Tanjusay na ang P21 umento ay nananatiling hindi sapat upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga minimum-waged worker upang makatakas sa kahirapan.

“The P21 increase in daily wage remains insufficient for families to cope with rising prices of goods and increasing costs of goods. P21 is only 4.27% of the current P491. So it obviously did not lift workers out of poverty. Workers who helped built a high economic growth of 6.9% average Gross Domestic Product do not deserve this very small amount,” ani Tanjusay.

“We have no other choice but to come and ask President Duterte to grant our long-standing request to him to provide a P500 monthly CCT-like cash voucher subsidy to minimum-waged workers who helped build our high economic growth,” dagdag pa ni Tanjusay.