Ni: Rommel P. Tabbad

Iniutos ng Sandiganbayan na makulong si dating Cabucgayan, Biliran Mayor Arnelito Garing dahil sa pagdedeklara ng maling asawa sa inihain nitong Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2000 at 2001.

Ayon sa anti-graft court, napatunayang nagkasala si Garing sa dalawang bilang ng perjury at hinatulan ng walong buwang pagkakalulong sa bawat bilang ng kaso nito dahil sa intensiyon nitong ideklara sa kanyang SALN na si Maurilina Oledan Garing ang kanyang maybahay, kahit na kasal pa siya sa kanyang legal na misis na si Generosa Arcenio Dosal.

Bukod dito, sinuspinde na rin ng anti-graft court ang karapatan ng dating alkalde na makapagtrabaho sa pamahalaan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa paglilitis, inamin ni Garing na hindi pa annulled ang kasal niya kay Dosal at idinahilan din na “hindi nakasaad sa SALN na ang legal na asawa ang dapat ideklara sa nasabing dokumento”.

“Despite the accused Garing’s protestations, however, this Court is convinced that his actions constituted a willful and deliberate assertion of falsehood. As a municipal mayor, a high-ranking public officer, tasked with the implementation of the laws of the land, it is highly implausible that he in good faith, believed that he could substitute the name of Maurilina in the place of his legal wife Generosa,” saad ng korte.