Rodrigue Ebondo (photo by Peter Paul Baltazar)
Rodrigue Ebondo (photo by Peter Paul Baltazar)

Ni Brian Yalung

HINDI maikukubli ang katotohanan na palapit na ang takip-silim sa collegiate basketball career ni Rodrigue Ebondo ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions.

Ngunit, nakahanda na ang plano para sa Congolese star. At kabilang dito ang maglaro bilang import sa PBA o makipagsapalaran sa pro league sa France.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“If it’s God’s grace, why not? The talent is there but I know I need more experience” sambit ni Ebondo, patungkol sa posibilidad na makalaro sa nangungunang pro league sa Asya.

Hindi basta-basta ang katayuan ng isang import na sasabak laban sa karibal na punong-puno ng karanasan sa laro. Ngunit, nagpahayag ng kahandaan si Ebondo.

“The first thing I can provide for a team is my energy and the spirit of competition. I hate to lose. Every time my team loses, I cannot sleep,” aniya.

“I believe I can help any team. I have played against PBA teams with high-caliber imports. For any team that would get me, they will not be disappointed.”

Kung hindi papalarin, handa naman niyang subukan ang maaksiyon ding mundo ng basketball sa France.

“I feel great as a player. My biggest dream was to simply play competitive basketball. I didn’t really think about going somewhere (to play). The only thing I was thinking was playing and working hard. Right now, I believe those sacrifices are finally paying off,” pahayag ng CEU slotman.

Kasalukuyang sumasabak si Ebondo sa UCBL para sa koponan ng CEU at kabilang sa pinagpipilian ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na maging reinforcement sa FIBA Asia Champions Cup.