Ni: Gilbert Espeña

MASUSUBOK ang kakayahan ni Pinoy boxer Recky Dulay sa pagsabak kay dating WBC super featherweight titlist Dardan Zenunaj ng Albania sa Setyembre 30 sa House of Blues, Boston, Massachusetts sa United States.

Huling lumaban si Dulay noong nakaraang Hulyo 15 sa Inglewood, California kung saan pinatulog niya sa 1st round si WBA junior lightweight champion Jaime Arboleda ng Panama kaya pumasok sa WBA ranking si Dulay bilang No. 10 contender.

Ito ang ikatlong laban ni Dulay sa US na sa kanyang unang laban ay napatigil sa 7thround ni IBF super featherweight titlist Gervonta Davis sa sagupaan sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi naman pipitsuging kalaban si Zenunaj na nakabase na ngayon sa Los Angeles, California at nakasagupa ang mga ded kalidad na world rated boxers na Amerikanong sina Brynt Cruz, Jose Salinas at Tevin Farmer.

May rekord si Zenunaj na 13 panalo, 1 talo na may 10 panalo sa knockouts kumpara kay Dulay na may 10 panalo, 2 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.