Standings W L

LPU 11 0

SBC 10 1

JRU 7 4

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

SSC-R 5 5

CSJL 5 6

EAC 4 6

UPHSD 4 6

AU 4 6

CSB 2 9

MU 1 10

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

12 n.t. -- LPU vs AU (Srs)

2 n.h. -- CSB vs UPHSD (Srs)

4 n.h. -- SSC-R vs SBC (Srs)

JRU, wagi sa Letran; kapit sa Final Four.

PINATIBAY ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang kampanya sa Final Four nang payukuin ang Letran Knights, 77-68, kahapon sa 93rd NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Hataw sina Teytey Teodoro at Ervin Grospe sa natipang tig-15 puntos, habang kumana si Jed Mendoza ng 11 puntos at may nakuhang 10 puntos si MJ Dela Virgen.

Nakopo ng Bombers ang ikapitong panalo sa 11 laro at nabigyan ng buhay ang kampanya na makausad sa Final Four.

Matapos matikman ang 109-115 double overtime loss sa Arellano University, kailangan ng JRU na manatiling nasa winning ways para makaangat sa labanan tungo sa semifinals. Tangan ng Bombers ang dalawang panalong bentahe sa nakabuntot na Knights (5-6).

Mula sa 36-27 bentahe, napalobo ng JRU ang bentahe sa 64-48 mula sa lay-up ni Dela Virgen may 7:34 sa laro.

“We cannot outscore the other team. Defense is our main offense,” sambit ni Bombers coach Vergel Meneses.

Nanguna si Calvo sa Letran sa natipang 21 puntos, habang nag-ambag si Rey Nambatac ng 14 puntos at walong rebounds at apat na assists, habang kumubra si Bong Quinto ng 11 puntos at 12 rebounds para sa Letran.

Sa juniors division, hataw si Kurt Reyson sa natipang 20 puntos para sandigan ang Letran sa 91-87 panalo kontra JRU.

Iskor:

JRU (77) - Grospe 15, Teodoro 15, Mendoza 11, Dela Virgen 10, Lasquety 9, Poutouochi 7, Abdul Razak 6, Sawat 4, Bordon 0, David 0.

CSJL (68) - Calvo 21, Nambatac 14, Quinto 12, Balanza 11, Mandreza 6, De Villa 2, Vacaro 2, Balagasay 0, Bernabe 0, Caralipio 0, Gedaria 0, Pamulaklakin 0, Pascual 0, Taladua 0.

Quarterscores: 12-12, 36-27, 58-45, 77-68