ANG pinananabikan na labanan nang pinakamahuhusay na panabong sa Resorts World Manila (RWM) ay magsisimula ngayon ganap na 10 ng umaga sa Newport Performing Arts Theatre kung saan maghaharap ang unang batch ng mga kalahok na binubuo ng 110 entries na sisikapin na manatiling walang gurlis papasok sa semis.
Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum and Resorts World Manila.
Maghaharap ngayon araw sina world champion Anthony Lim, Bernardo Tuazon, Arman Santos, Atty. Cappuchino, Atty. Arcal Astorga, Bong Pineda, Capt. J. Abantao, Celso Bautista, Engr. Celso Salazar, Danny Lim, Engr. Jocob Lee, Felix Punzalan, Jr. & Ramon Montierro, Fidel “Boy” Villanueva, Jr/Mayor Leonofre Geronilla, Fiscal Villanueva, Frank Berin, Jayson Garces & Coun. Mark Calixto, Jervy Maglunob/Noel Cosico; Joey delos Santos, Pitmasters2 winner Jojo Cruz, Many Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Amboy Manlapaz, Mayor Larry Alilio, Mayor Neil Lizares, Mayor Emeng Codilla, Nestor Vendivil, Patrick Antonio, Arnold dela Cruz, Ramon Mancenares, Tata Rey Briones, Toto Aurue Alas, Victor Sierra, Toto Gregore, Vernie Legaspi at iba pa.
Sasabak din ang mga three-time world champions na sina Dicky Lim & Rey Briones, Pitmasters1 winner Joey & Buboy delos Santos, Mayor Nene Aguilar, Marcu del Rosario, Kano & James Raya, Boy Lechon, Allan Syiaco, Butch Borja, EJohn Capinpin, Jun Bacolod, Magno Lim, Dennis de Asis, Steve Debulgado, Nap Laurente & Edwin Baccud, Nene Abello, Boy Velez, Nene Rojo, Dori Du, at Dr. Boy Tuazon.
May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby ay may garantisadong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.
Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorative plate kaloob ng Thunderbird Platinum.
Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Septyembre 15 (Group A), 16 (Group B) & 17 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).
Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).
Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.