Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Alaska vs Meralco

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

7 n.g. -- Globalport vs Star

MULING makabalik sa liderato palapit sa playoff round ang tatangkain ng Meralco habang mapanatiling buhay naman ang tsansa para sa huling playoff berth ang target ng Alaska sa pagtutuos nila ngayong hapon sa 2017 PBA Governors Cup.

Ganap na 4:15 ng hapon ang tapatan ng Aces at Bolts na susundan ng sagupaan ng Globalporf at Star ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Taglay ang barahang 6-2, tatangkain ng Bolts na makamit ang ikapitong panalo upang makasalo ng Barangay Ginebra sa pamumuno.

Nakapagtala naman ng tatlong sunod na panalo matapos mabigo sa unang anim na laro, sisikapin ng Aces na mawalis ang nalalabing dalawang laro sa eliminations kabilang na ang laban kontra Bolts upang makahabol sa huling byahe patungo sa quarterfinals.

Inaasahang maglalaro na para sa Bolts ang bagong lipat na si Ranidel de Ocampo sa bisa ng isang trade na tumapos sa siyam na taong stint nito sa dating koponang TNT Katropa.

Para sa Bolts, malaking tulong ang maibabahagi ni de Ocampo para sa koponan parehas sa opensa at depensa mula sa malawak nitong karanasan bilang professional player at national team standout.

Ang kakayahan ni De Ocampo na pumukol sa labas at ang di matatawarang rebounding prowess ang matinding asset na maibibigay nito sa Bolts.

Sa tampok na laro, magtatangka naman ang Star na pumatas sa Rain or Shine at San Miguel Beer sa ikalimang posisyon sa paghahangad na masungkit ang ikalimang tagumpay kontra tatlong kabiguan.

Sa panig naman ng Batang Pier, hawak ang markang 3-5, sisikapin din nitong mapanatiling buhay ang pag-asang makasingit sa huling playoff berth.