Ni: Bella Gamotea

Hindi napigilan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo ng tinapay sa mga panaderya at supermarket sa bansa.

Ito ang ikinadismaya kahapon ng grupong Laban Konsyumer, na nagsabing kabilang sa nagtaas ng presyo ang loaf o tasty bread at pandesal.

Katwiran ng DTI, hindi sila nabigyan ng abiso ng mga bread manufacturer kaugnay ng taas-presyo sa loaf bread at pandesal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi naman ng Philippine Baking Industry Group, Inc. na simula pa nitong Agosto ay nasa P1-P2 na ang nadagdag sa presyo ng mga branded na tinapay sa mga pamilihan.

Napansin din ng mga consumer ang pagliit ng serving ng mga tinapay sa mga panaderya.

Inihayag ng samahan ng panadero na tumaas umano ng P68 ang kada sako ng harina sa merkado—na pumalo na sa P650 kada sako mula sa dating P620, bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng trigo sa pandaigdigang pamilihan.