Ni: Marivic Awitan

KINAILANGAN ng Lyceum of the Philippines University ng apat na sets upang mapaluhod ang kapwa NCAA team Jose Rizal University ,25-20, 24-26, 25-13, 25-22 nitong Miyerkules sa Premier Volleyball League (PVL) Women’s Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Umabot ng halos dalawang oras ang laban na tadtad ng mahahabang rallies.

“Kino-compare ko ang laro sabi ko advantage kami sa kanila kasi nakakalaban namin sila sa NCAA. Sabi ko kulang lang sa maturity ang team ko, nakakapalo sila, nakakablock pero kapag ‘yung mga bolang instant na bumabagsak doon namin sila ico-correct,” ani Lyceum coach Emil Lontoc.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinangunahan ni Christine Miralles ang Lady Pirates sa itinala nyang 18 puntos habang nag -ambag naman sina Cherilyn Sindayen at Roselyn Hongria ng tig- 15 puntos.

Dahil sa panalo umangat ang Lady Pirates sa patas na markang 1-1, kapantay ng susunod nilang katunggaling Ateneo Lady Eagles.

Nauna rito, nakabalik sa winning track ang San Beda College matapos talunin sa loob din ng apat na sets ang College of St. Benilde, 25-21, 25-20, 17-25, 25-19.