NI: USA Today

KINANSELA ni Lady Gaga ang kanyang pagtatanghal sa Rio de Janeiro matapos siyang isugod sa ospital, ibinalita ng singer nitong Huwebes.

Lady Gaga copy

Nagbigay ng update si Gaga sa Instagram para ipaalam sa kanyang fans kung bakit hindi siya makakapagtanghal sa Rock in Rio music festival ng Brazil nitong Biyernes.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

“I was taken to the hospital,” tweet niya mula sa Los Angeles. “It is not simply hip pain or wear and tear from the road, I am in severe pain.”

Gayunman, tiniyak niya sa kanyang mga tagahanga na magiging maayos din ang kanyang pakiramdam, at siya ay “in good hands w/ the very best doctors.”

Hindi itinago ni Gaga sa kanyang fans ang matagal na niyang dinaranas na chronic pain.

Hindi man niya binanggit na ito ang dahilan ng kanyang pagkakaospital, ipinaliwanag niya nitong Martes na mayroon siyang fibromyalgia, isang musculoskeletal illness na nagdudulot ng kirot sa buong katawan.

Ayaw niyang madismaya ang kanyang mga tagahanga sa Brazil sa nakanselang performance.

“Please don’t forget my love for you,” aniya. “Remember years ago when I tattooed Rio on my neck, the tattoo was written by children in the favelas. You hold a special place in my heart. I love you.”

Malinaw na mahal na mahal siya ng kanyang fans. Agad nagpaabot ng suporta sa singer ang mga ito sa pamamagitan ng social media.