Ni: Johnny Dayang

INAASAHANG lalo pang iinit ang bangayan nina Senador Antonio Trillanes IV at pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at tiyak na wala rin itong matinong patutunguhan.

Walang saysay at nakasisira sa bayang Pilipino ang kanilang insultuhan at batuhan ng maaanghang na mga salita.

Nilalabag at sinisira rin ng kanilang ikinikilos at magaspang na pag-uugali ang ‘decent protocols’ ng mga institusiyon at tanggapang kanilang kinakatawan. Dahil sa kanilang away, naisasantabi at napapabayaan ang mahahalagang isyu na dapat nilang pagtuunan ng atensiyon at resolbahin. Bukod sa mga ito, naiinsulto na rin ng walang katapusang murahan ang mga Pilipino.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Napakapangit at wala ring saysay na tema ang mga paratang ni Sen. Trilanes na may kaugnayan si Davao City vice mayor Paolo Duterte sa Sindikatong Triad ng China na wala mang basehan ay waring kaakit-akit na isyu na maaaring paniwalaan ng publiko. Mauunawaan natin na ayaw bigyang-dignidad ng batang Duterte ang isyu kaya hindi niya pinatulan ang hamon ni Trillanes na maghubad siya para makita ang kanyang Trias tattoo, ngunit talagang walang katotohanan ang alegasyon ng senador, madali niya itong tugunan para tuldukan agad ang isyu.

Ang dramang Duterte-Trillanes ay nagmistulang komiko pa nang si Pangulong Digong mismo ang nagpakita ng kanyang mga tatô upang inisin si Trillanes. Nauunawaan nati siya dahal walang dudang laging ipagtatanggol ng isang ama ang kanyang anak.

Hindi natin alam kung may anong eskandalo ang kinasasangkutan ng Vice Mayor ngunit ang mga paratang na may kaugnayan ito sa mga aktibidad na labag sa batas ay isang bagay na dapat linawin. Higit na mahalaga ang harapin at ipaalam ang katotohanan kaysa laging magtago at iwasan ang pulang bandila.

Isang mahalagang bagay na tuwina’y lumalabas sa talakayan sa media ay kung bakit ang Unang Pamilya — sa gitna ng tone-toneladang akusasyon na ibinabato sa mga miyembro nito — ay nananatiling mailap sa pagbibigay ng linaw sa mga pangit at hindi kaaya-ayang mga... alegasyon laban sa kanila.

Halimbawa, ngayong lumagda na sa waiver si Trillanes at pumapayag siyang bulatlatin ng kinauukulang mga awtoridad ang kanyang mga bank accounts na umano’y nagtatago ng kanyang mga nakaw na kayamanan, nakahanda rin ba ang Pangulo na gawin din ito? Sa kanilang iringan, tila lugi si Trillanes sapagkat wala siyang ‘immunity’ laban sa mga demanda, gaya ng Pangulo.

Gayunman, ginagamit din ng Senador ang kanyang “parliamentary immunity” tuwing magpapasabog siya ng mga bintang sa pamamagitan ng mga “privilege speeches” niya sa Senado. Ang lundo nga lang nito, nakakainis na ang kanilang iringan.