Ni: Beth Camia

Naghain ng double murder case sa Department of Justice (DoJ) ang mga kamag-anak nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman laban sa dalawang pulis at taxi driver na pawang isinasangkot sa pagpatay sa dalawang binatilyo.

PO1 Jerwin Cruz, P01 Arnel Oares and P01 Jeremias Pereda, suspects in the killing of Kian Loyd Delos Santos in Caloocan City, listen as the preliminary hearing of the murder complaint filed against them starts at the Department of Justice on Thursday, September 14, 2017.(photo by ali vicoy)

Kasama ang mga tauhan ng Public Attorney’s Office (PAO), kinasuhan ng mga magulang nina Arnaiz at De Guzman sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ng Caloocan City police, at taxi driver na si Tomas Bagcal.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kinasuhan din sila ng torture at planting of evidence sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

TESTIGO SA KIAN CASE HUMARAP SA PRELIMINARY INVESTIGATION

Pitong testigo, kabilang ang dalawang menor de edad, ang humarap sa unang preliminary investigation sa kaso ni Kian Loyd delos Santos.

Dumating din sa pagdinig ang mga magulang ni Kian at ang apat na pulis-Caloocan na sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Tolete Pereda at PO1 Jerwin Roque Cruz pawang sinampahan ng kasong murder at paglabag sa anti-torture law.