NAKOPO ng reigning two-time champion National University ang ikalawang sunod na panalo, habang nakahirit rin ang last year’s runner-up University of Santo Tomas nitong Miyerkules sa UAAP Season 80 high school volleyball tournament at the Filoil Flying V Centre.

Magaan na tinalo ng Bullpups ang Ateneo, 25-17, 25-13, 25-7, para sa maagang liderato.

Nakabawi naman ang Tiger Cubs mula sa opening day nang pabagsakin ang De La Salle-Zobel, 25-13, 25-10, 25-20.

Naolats ang UST sa Far Eastern University-Diliman sa four sets.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Natikman naman ng Blue Eaglets ang ikalawang sunod na kabiguan.

Balik ang aksiyon sa Linggo sa San Juan Arena.